Tag Archives: tae

TAE! (Bakit ba?)

Bakit ba ako magsusulat tungkol sa Haring +Ubu-L?

Dahil ba ang gagwapo at nakakalibog tingnan ang mga karakter? Si Papa Ubu na may mahaba at malaking titi na green o si Mama Ubu na may malaking suso at namumulang pekpek? Si Kapitan Tutan na may nakakawindang na abs at punit na pundilyo? O si Prinsipetsa Bukake na natanggalan ng Pekpek?

Isusulat ko ba ang set ni Leeroy New? Ang direksyon ni JK Anicoche? O ang mga kabaliwan ng Sipat Lawin Ensemble?

Kung tutuusin eh puro tae, tamod at putang ina lang naman ang dula na yun eh!

MGA PUTANG INA NILA!

Isusulat ko kaya ang tungkol sa pagiging bulgar at nakaka-offend (lakas maka-Arrneow) na tema ng palabas na iyon!

Pwede!

Nakaka-offend (lakas maka-Arrneow ulet!) at bulgar nga naman ang walang humpay na kantutan ni Papa Ubu at Mama Ubu (isali mo pa ang romansa ni Papa Ubu at Kapitan Tutan)! Ang mga winawagayway na titi, pekpek at vibrator ang makikita mo sa buong palabas. Maririnig mo ang “Putang Ina” sa halos lahat ng diyalogo. Ang kasakiman nina Papa Ubu at Mama Ubu para mailuklok sa pwesto. Ang mga kasinungalingan, kaapihan at ka-TAEhan na kinalat sa palabas. NAPAKABULGAR! NAKAKA-OFFEND! (Eeeeeewwww…) Bakit ba may mga palabas na ganito?! NAKAKASUKAAAAAAHHH!!! *gwaaarrkkkkk*

ANG ARTE KO!!!!

Nakakasuka nga ba? Eh kung ganun, dapat segu-segundo akong nasusuka sa nagkalat na pornograpiya sa paligid. Kantutan ba ‘kamo? Eh manood ka lang ng TV ng ilang oras, o di kaya mag-internet eh laganap na ang kalaswaan! Hello! Tanungin mo kaya ang mga anim na taong gulang na bata at alam na nila ang tungkol sa Kantot, Titi, Pekpek at kung ano –ano pa!

Putang Ina ba? Eh hindi mo nga yan maalis sa bibig mo tuwing natitisod, natatawa, nalulungkot, nagagalit at NATATAE ka! Parte na ‘yan ng bokabularyo nating lahat!

Eh ano naman ngayon kung sakim o gahaman sina Papa Ubu, Mama Ubu o Kapitan Tutan? Knock, knock Parekoy at Marekoy! Buksan mo lang ang bintana mo at masisilayan mo na ang mga epal na opisyal ng gobyerno na nagpaskil na ng mga mukha nila sa halos lahat ng sulokng Pilipinas! Ang mga mag-anak na minomonopoliya ang mga posisyon sa gobyerno! Eh kahit nga si PNOY eh isang produkto ng political dynasty! At kung tatanungin mo sila eh wala naman daw masama sa ginagawa nila at serbisyo lang naman daw talaga ang inaasam-asam nila.

MGA MAKAKAPAL NA MUKHA! MGA SINUNGALING! MGA PUTANG INA!

Oooops! Isali mo na din diyan si Enrile na halos 80% ng buhay niya ay nakaluklok sa pwesto. Hangal sa posisyon!

Again… MGA MAKAKAPAL ANG MUKHA! MGA SINUNGALING! MGA PUTANG INA!

Aynakow! Hindi na ako magtataka at sadyang ina-AFFIRM (Arrneooowww) ko na tawagin tayong TAENG BAYAN! Eh hinahayaan lang natin ang lahat ng ito. Nagpapakabobo, nagpapakatanga at minsan pa ay may mga prinsipyo tayong “If you can’t beat them, might as well join them!”

At eto pa! Sa mga pag-aaral ng Transparency International (Sosyal at nakakahiya) eh ang taas ng rating natin bilang mga korap na tao! Talagang ang KORAPSYON ay bahagi na ng kulturang Pilipino.

Aangal ka pa ba?

‘Wag na tayong MAGMALINIS! Yan ang tunay na NAKAKASUKA! Pasasaan ba at sa darating na Mayo ay makikita na naman ang pagiging TAENG BAYAN nating lahat!!!

MGA PUTANG INA PO TAYONG LAHAT!

TAE! *bow* 

(ang poster na ito ay NINAKAW ko sa facebook page ng Sipat Lawin Ensemble. Oo. Magananakaw ako. Idol ko kasi ang isa sa mga Senador. Hindi lang yun, free rider din ako tuald ng karamihan sa atin. Nakapasok ako sa palabas ng LIBRE! Kaya parang ninakawan ko na rin ang mga artista dito ng pagkakataon na kumita. Ganyan talaga dapat, gulangan! Ang saya, diba? SAGOT!)      

Image